Tuesday, September 25, 2012

nam

Yung 2x nangyari saken to, hahahaha EPIC.
yung isa sa personal, yung isa sa text.

di ba ako karapat-dapat ipaglaban? :|
pero di naman sa assumera, nagkagusto saken yang dalawang yan. yung isa umamin, yung isa hindi.

Friday, September 21, 2012

the day she brought me here

It's my birthday.
I'm nineteen years old.
First birthday without my mom.

Bago pa dumating ang araw na 'to, na-predict ko na kahapon na umulan.. kahit napakaaraw. Haha. AND IT's RAINING!! at ang lakas. It's kinda weird pero hiniling ko yan,. a sign. as my mom's way in greeting me. Hiniling ko ren naman na magpakita siya sa dreams ko, pero wala. Malay natin mamayang gabi, still hoping e? haha. Ayan. Di na tumitila ang ulan. Pero maliwanag ang kalangitan. Kahit gaano pa kalakas ang ulan ngayon, naniniwala ako na titili rin yan mamayang hapon. Di naman hahayaan ni mama na bahain at ulanin ang birthday ko, birthday namin ni kuya.

etong pakiramdam na to, first time ko lang naramdaman. Na maging masaya at malungkot sa pagbagsak ng ulan.. Argh. tears falling down on my face. tama na ang dramaaaaaaa.

Actually, this is the very first birthday na di ako magcecelebrate. Eh, kasi di ko feel. Eh dahil sa mga taong bumati at umaasang maghahanda ako, ayon, matutuloy na mamaya ang maliit na salo-salo. Nakakatawa nga eh, dahil every after nila akong batiin ng happy birthday, may kasunod na tanong kung may handaan. Ano, understood na?? ahahahaha. nakakatawa. Yung mga tao sa paligid ko gustong i-celebrate ang aking kaarawan... at hanggang ngayon, nag-iisip pa ko kung matutuloy pa ba. Ang labo ko ren eh. hehe.

Ayun, umuulan pa rin. Nako, baka natural lang talaga na uulan at hindi para sa akin? haha.

So ngayon, wala nang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi maghahanda ba ako o hindi. Dahil halos mag-aalastres na, di ko pa rin alam. So Happy Birthday to me na lang!!!

And it stop.

Monday, June 4, 2012

So, today is like?

Hello my readers! Na-miss ko maglagay ng entry sa blog ko. haha contest? :)) I'm very occupied lang ng heartbreaking thoughts and moments nitong mga nagdaang mga buwan eh, that's why. Anyway, I'm kinda fine... tonight. Yes tonight. Kasi hindi naman dahil na okay ako ngayon, okay pa rin ako bukas. Ayt? Anyway mukha naman akong okay bukas, because finally, I did it! I had a therapeutic talk with my mom. Nasabi ko ang mga di ko masabi-sabi kapag kami na lang dalawa. And it turn out so well. Dinaig ko pa ang empathy talk ng isang psychotherapist. Syempre, nanay ko to eh. haha.

Meron akong tula para sa kanya. Pero hindi ko matapos-tapos. Sa tingin ko, hindi pa yon ang wakas :)