Sunday, April 12, 2015

Sa pagkakataong yon

04-12-15
7:58pm

Sa sobrang gulo ng isip ko,
hindi ko na alam ang tunay na iniinda ng utak at puso ko.
Ang alam at nararamdaman ko,
ay nawawala na ng saysay ang buhay ko.

Hindi ko na alam ang gusto ko, walang plano.
Anong nangyari. Paano naging ganon. Bakit nagkaganito.
Puro tanong. Isang tanong, sasagutin ulit ng isa pang tanong.
Paulit-ulit na lang.

--Nung araw na yon, di ko inakala na 'yun na pala ang huli naming pagkikita.

Nagkita kami non sa 7 eleven, late afternoon..
"Atlast, magkikita na ulit kami, magkakaayos na kami.." 
Dumating ako sa tamang oras at inaasahan ko na nandon na siya, pero naghintay ako... at patuloy na naghintay non.
 Dumating siya, all red. Sumenyas siya sa akin na lumabas na ko.. pero hindi, hindi ako lumabas.. Sumenyas ako na pumasok siya ng 7eleven at tumabi sa akin. Niyaya ko pa nga siya uminom ng mogu-mogu non eh pomelo flavor, set lang ba ng mood. Then kamustahan.. hanggang sa tinanong niya na anong oras kami aalis don.
Di ako umiimik. Bumanat na lang ako na mag-usap muna kami non. Magsimba, manood ng sine or what.. i-work out ba ang relationship.
"Pinag-usapan na natin 'to diba, okay na diba, na-plano na?" Ang sabi niya.

Then hindi na siya umimik.. Then a moment of silence, minutes ang tinagal ng katahimikan hanggang sa nagcellphone na lang siya, at para bang may tinatawagan. I tried to grab his phone pero ayaw niya pakuha. Sinabi niya sa akin na friend niya daw yun, na aalis na lang daw sila at ayaw na niyang umalis kami. Cellphone pa rin.. cellphone pa rin... Then I told him na pag hindi niya binitawan ang cp niya, I'll assume na babae yon. Then yun. Binitawan naman. Nagtext naman. I told him na iiwan ko siya pag 'di sya tumigil kakaCP. Then I left him..

Nakalabas na ko ng 7 eleven, naglalakad na ko palayo.. Sasakay na sana ako ng jeep, kaso napatigil ako. Tinanong ko sa sarili ko na, pag iniwan ko 'yon, wala ng balikan 'to at wala dapat ako pagsisihan. kaso.. "hindi ko siya kayang iwan, tangina", wala na kong nagawa at bumalik ako ng 7eleven. At nandon pa rin siya. At yun, nagcecellphone pa rin. At pagkasilip ko: message sent. kakatago niya lang ng phone niya na biglang sabi sa akin na, basahin ko ang text message niya sa akin at bigla siyang umalis. Dali-dali siyang umalis at sinasabi na basahin ko na lang daw ang text niya. Sabi ko wala naman akong nareceive.. hanggang sa may nareceive na ko.
Binabasa ko ang text niya habang pinipigilan ko siya kakalakad. Humihirit ako na sabihin niya sakin yon ng deretso. Pero... hindi niya ginawa.

Sinundan ko siya, pinigilan ko siya sa kakalakad pero patuloy pa rin siya sa paglakad.
Hinawakan ko mga braso niya, pero pumipiglas siya na nagpapahiwatig na bitawan ko na siya.
Kinakausap ko siya, pero ayaw niya umimik at sinasabing ayaw na niya ko makausap.
Patuloy siya sa paglakad.. at patuloy ako sa pagpigil sa kanya..
At yun, huminto na siya.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin," sabi niya.
"Gusto ko sabihin na mahal kita, mahal na mahal. Sa tingin mo ba pupunta ako dito kung nagbago isip ko? sinubukan ko naman eh. ginawa at ginagawa ko naman ang lahat, hindi pa ba sapat?........."

Sumabat siya at lumakad papalayo...
Iniwan na niya ako.
Gusto ko siyang pigilan at yakapin sa huling pagkakataon.
Pero sa pagkakataong 'yon, hindi na ko nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Hindi ko na siya sinundan, hindi ko na siya pinigilan.

Sa pagkakataong 'yon,
Namanhid ako, nawalan ng pulso at huminto ang mundo ko.
Minasdan ko na lang siyang naglalakad papalayo mula sa kinatatayuan ko.
Ang taong pinakakamahal ko ng higit pa sa buhay ko ay bigla na lang naglaho.