Friday, May 3, 2013

God's Garden

God has the only power to heal.

Every patient is unique.
Kanya-kanya sila ng pangangailangan. Bawat isa sa kanila ay may iba't-ibang sintomas at karamdaman, na yung iba ay masasabi nating malala, yung iba naman ay hindi. May pagkakataon na sa isang tingin mo lang sa isang pasyente, mula ulo hanggang paa, masasabi mo na kung may mali o wala.
May iba't-ibang klase ng sakit. Sakit sa puso, sakit sa ulo, sakit sa tiyan, sakit sa buto-buto, at ang pinaka-in demand na sakit at di malutas-lutas, ay ang sakit sa bulsa. Lahat ata ng tao mayroon nyan. Actually, hindi naman talaga sakit sa bulsa ang nararapat na itawag diyan. Hmmm. Oh ikaw, wala ka bang pera?.. wala naman. natanong ko lang. haha. Pero hindi na sakop ng medicine field yan.

Kapag nagkasakit ang isang tao ng mga ilang araw na sa tingin nila ay hindi na normal, madalas nagpapa-check-up na kaagad sila sa clinic o sa emergency ng hospital. At kapag medyo kailangan na ng medical assistance, naco-confine na sila. Oo naco-confine sila. Yung ibang tao nga, marinig lang ang salitang "confine" o "hospital", eh halos magpanic na. Ano bang nangyayari kapag na-confine ang isang tao? Simple lang. Pasyente na ang tawag sa kanya. haha lols. Base sa aking mga experiences, restoration ng health yan to it's finest, to it's "normal function". Binabalik sa "normal" na condition ang sistema ng isang pasyente kasi may imbalance na nagaganap sa katawan niya. kasi may traydor sa sistema niya. What I mean by that?.. Eto. Kung ang gas ng sasakyan mo ay unleaded, tapos ang nakarga sayo ay diesel, anong mangyayari? Syempre ngangarag-ngarag ang takbo ng sasakyan mo. Worst, masisira makina mo. So ganon. May nagtraydor o maling entra sa sistema which causes the imbalance. Kaya naman nacoconfine ang isang tao... Meron namang trip lang magpaconfine, eh kung magkapresyo lang din naman ang hotel fee sa hospital fee, dun ka na sa hospital. May pagkain at special nurses ka pa. Haha. Di ko sure kung may ganon talaga. Haha. Yung iba nacoconfine kasi that's the last resort. Dalawa lang naman yan eh, it's either lumabas ka ng hospital ng buhay o hindi.

All about treatments.
Actually, ang ayaw ko lang naman sa hospital ay yung mga hindi "likas" o "natural" na ginagawa sa pasyente. paano ko ba eexplain yun.. Ang likas papaya soap kaya? Likas? naisip ko lang naman. haha.
Hindi naman sa against ako sa mga treatments ng hospital.. Pero, Lahat naman ng sakit ay may gamot eh. Magbibigay ba ang Diyos ng sakit kung walang gamot? Lilikha ba ang Diyos ng isang tulad ko kundi para sayo? HAHAHAHAHA. Kung alam lang nila sana.. The body has its ability to heal itself. Naisip mo ba kung anong gamot? Naisip mo ba kung saan nakukuha yung gamot na yon? Tsss. AKO ang GAMOT! HAHAHAHA echos. Eto seryoso na. Ang mga gamot na tinutukoy ko ay nasa hardin ni God. Nasaan yon? Andiyan lang. The green green green field/trees and colorful fruits. Amazing, isn't it?. Yan lang naman yon eh. Pwede sa prevention at sa cure. All IN ONE. hmmm. Paano ko nasabi 'to?

Ang goal ko lang naman sa mga pasyente ko, (nagpaka-feeling nurse/doktor lang. haha) ay makaiwas sila sa sakit at gamutin sila in a natural way. yung guaranteed na no adverse effects. Kasi natural eh. Without introducing harmful substances sa katawan ng tao. kasama na yung mga surgeries.
Lahat ng nutrients na kailangan natin eh nasa hardin ni God. ALL FREE. Napaka-powerful ng mga organic foods eh. kaso pinresyohan na ng mga tao kaya di afford ng lahat bumili. (Pati yung mga libre may bayad na. Damn.. ) at tinago ng medical field ang katotohanang ito. Kung ano-anong treatments pa ang naimbento para kumita ng pera.. Sad fact indeed.


Ang kanser, aids at tighawat ay wala na daw lunas?
Eeeeng.
Lahat ng sakit may gamot.

Ang kailangan lang ng tao ay mag.DETOX.. Treat the internal. kasi nasa kinakain talaga yan eh. (ay teka, isama na ang lifestyle, mga paniniwala at kung anu-ano pa. For health is a state of being well-- physically, mentally, emotionally, socially and emotionally. STATE OF BEING WHOLE)Tanggalin ang mga toxins at traydor sa sistema ng katawan. How possible is that? through ingestion lang. Wala ng opera-opera. Ang tinutukoy ko lang dito ay diseases ah, labas na yung mga stress, etc.. Eh sa panahon ngayon, di mo malaman kung ang mga nabibili mong donuts or whatever eh may halo diba? Eto, one fact: ang pagkain ng chicken wings, prone magkaron ng cyst sa ovaries yan. Naalala ko bigla si mama, sobrang hilig nya don. One of the predisposing factors kaya siguro sya nagkaganon. Back to the chicken wings.. may nabasa akong article na sa neck part or wings ng chicken mostly nag-iinject ng steroids. So hindi na talaga natural ang growth ng mga to.. at higher concentration ng steroids ang mga parteng 'to. So buy organic foods na lang! kahit mahal. Atleast healthy.

God has the only power to heal.
Pero hindi dahil ganon, wala nang magagawa ang mga doktor at mga nurses.. We're instruments of God.. para tumulong, sumuporta, ease our client's pain/paghihirap hanggang sa makakaya namin. Honestly, kahit gaano pa kagaling ang isang doktor, wala itong kakayahang gawing immortal ang mga tao. O gumamot to the extent na di ka na magkakasakit. Mag-eexpire at mag-eexpire rin ang isang tao. Nasa tamang pangangalaga lang talaga yan. Kaya nandito ang mga nurses, para mag-aruga, for we nurse the world. HAHA SEGWAY. Aba, masasabi ko na talaga na ito ang pinakamahirap at pinaka-fulfilling na karera. Anong saya. I may sound korny pero kakaiba ang field na 'to. Next blog ikwekwento ko pag may oras ako. Haha.
 Siguro, nasa papel ko na talaga ang mag-inspire ng ibang tao. Nung binuhay ata ako sa mundong 'to, talagang ipaparanas saken lahat ni God lahat ng saket sa mundong 'to. Lahat ng negative. Tipong dapat ko tumayo sa sariling mga paa ko. At ayun na nga. Sarili ko nang nagcocomfort sa sarili ko. How sweet. HAha. Hinde.. para kasi sa empathy kaya pinararanas saken yon. Pero naman. Grabehang experiences na 'to.. hahaha nvm.

So hindi ko natype talaga ang gusto kong sabihin. Ewan ko ba't biglang tumaliwas. Iba naman talagang iniisip ko ngayon eh, about caring for adults. ewan ko bat napunta dito. haha. Anyway. Aja! Goodnight my readers :)


Lots of Love,
eh sa wala akong makitang garden. hahahahaha.
Naj

Tuesday, September 25, 2012

nam

Yung 2x nangyari saken to, hahahaha EPIC.
yung isa sa personal, yung isa sa text.

di ba ako karapat-dapat ipaglaban? :|
pero di naman sa assumera, nagkagusto saken yang dalawang yan. yung isa umamin, yung isa hindi.

Friday, September 21, 2012

the day she brought me here

It's my birthday.
I'm nineteen years old.
First birthday without my mom.

Bago pa dumating ang araw na 'to, na-predict ko na kahapon na umulan.. kahit napakaaraw. Haha. AND IT's RAINING!! at ang lakas. It's kinda weird pero hiniling ko yan,. a sign. as my mom's way in greeting me. Hiniling ko ren naman na magpakita siya sa dreams ko, pero wala. Malay natin mamayang gabi, still hoping e? haha. Ayan. Di na tumitila ang ulan. Pero maliwanag ang kalangitan. Kahit gaano pa kalakas ang ulan ngayon, naniniwala ako na titili rin yan mamayang hapon. Di naman hahayaan ni mama na bahain at ulanin ang birthday ko, birthday namin ni kuya.

etong pakiramdam na to, first time ko lang naramdaman. Na maging masaya at malungkot sa pagbagsak ng ulan.. Argh. tears falling down on my face. tama na ang dramaaaaaaa.

Actually, this is the very first birthday na di ako magcecelebrate. Eh, kasi di ko feel. Eh dahil sa mga taong bumati at umaasang maghahanda ako, ayon, matutuloy na mamaya ang maliit na salo-salo. Nakakatawa nga eh, dahil every after nila akong batiin ng happy birthday, may kasunod na tanong kung may handaan. Ano, understood na?? ahahahaha. nakakatawa. Yung mga tao sa paligid ko gustong i-celebrate ang aking kaarawan... at hanggang ngayon, nag-iisip pa ko kung matutuloy pa ba. Ang labo ko ren eh. hehe.

Ayun, umuulan pa rin. Nako, baka natural lang talaga na uulan at hindi para sa akin? haha.

So ngayon, wala nang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi maghahanda ba ako o hindi. Dahil halos mag-aalastres na, di ko pa rin alam. So Happy Birthday to me na lang!!!

And it stop.

Monday, June 4, 2012

So, today is like?

Hello my readers! Na-miss ko maglagay ng entry sa blog ko. haha contest? :)) I'm very occupied lang ng heartbreaking thoughts and moments nitong mga nagdaang mga buwan eh, that's why. Anyway, I'm kinda fine... tonight. Yes tonight. Kasi hindi naman dahil na okay ako ngayon, okay pa rin ako bukas. Ayt? Anyway mukha naman akong okay bukas, because finally, I did it! I had a therapeutic talk with my mom. Nasabi ko ang mga di ko masabi-sabi kapag kami na lang dalawa. And it turn out so well. Dinaig ko pa ang empathy talk ng isang psychotherapist. Syempre, nanay ko to eh. haha.

Meron akong tula para sa kanya. Pero hindi ko matapos-tapos. Sa tingin ko, hindi pa yon ang wakas :)

Sunday, December 25, 2011

Living in the search of life... boom love life!

Hello my blog! Hello my followers!
Goodevening.

I just finished reading a "pocket book".
Hmmm. Gusto ko lang i-update ang aking blog na matagal nang na-stock. How's my life? ayun. patuloy pa rin. patuloy sa paghamok ng mga pagsubok sa buhay. Living in the search of life (still and forever). Hindi naman daw talaga hinahanap ang buhay eh. Eh ano lang? ewan ko ba. di ko alam ang kasagutan dyan. haha.

Hindi pa ako inaantok. At dahil sa hindi pa ko antok, kung anu-ano nanaman ang sumasagi sa aking isipan. Tulad nang pangalawang hiling ko ngayong pasko na, LOVELIFE PARA SA LAHAT! dapat yan maisulong at maisakatuparan! Hahahaha dahil isa ako sa mga walang lablayp. AKO na NBSB, AKO na SINGLE, AKO na. Kasalanan ko bang single ako? haha.
It really annoys me kapag may nagtatanong kung bakit wala pa kong bf. Sa isip-isip ko, "porket maganda kailangan may boyfriend na?" AKO NA TALAGA. hahahaha. Don't they get it? at teka nga, 'te, may tama bang kasagutan diyan sa tanong na yan? Tingin ko wala. Sa tingin ko ha. See, anong isasagot mo sa tanong na  walang kasiguraduhang sagot? Kahit i-search mo pa sa google at ipagdasal yta yan araw-araw eh, hindi mo talaga masasagot yan. Di bale ba kung right time na. In God's time ba. :)
Hindi naman ako choosy, hindi naman sa ayaw ko, hindi naman dahil sa bawal pa. Ang sakin lang, I want a serious and mature relationship. Yung matatawag mong "boyfriend ko/ my potential husband". Maturely speaking, ayoko ng fling at landiang relasyon. Yung puro enjoy at excitement lang. Gusto ko yung totoo, yung may thrill! hihihi. I want to experience a REAL RELATIONSHIP. Yung kahit magkaibang-magkaiba kami, magk.click at magkakaintindihan kami. Yung relation na, his my boyfriend at the same time my best friend. Lucky kung kapamilya din ang turingan namin. Eh kaso wala akong makilalang ganoon eh. Kaya wala akong BF at wala akong madala at mapakilala dito. ayan. haha. Ngayon pa't aalis na si papa, wala si kuya at mama. Paano ako niyan? mukmok mag-isa? hahaha. tag-iisa pa kami ng floors dito :)
Kung iisipin kong mabuti, yung tipo ko kasi doesn't suites my age. 3 out of 10 girls siguro ang katulad ng perception ko pagdating sa ganitong relationship. Masaya magka lovelife, for real. Na-experience ko naman yon kahit NBSB ako. Lahat ng kakiligan at kalokohan to the highest level talaga. Masarap sa feeling eh. Basta. I can't explain it. Haha.

2012 na at wala pa kong BF. Nagdebut na ko't lahat wala pa rin. Baka nga pag kinasal na mga kuya ko eh, wala pa rin akong BF! damn that. napakadamot naman ng mundo pag ganon!? haha. Hindi naman ako nagdedemand na magka-BF, ang sa akin lang, may karapatan naman din ako magkaron ng ganon. Tamo, dalaawang taon na lang at graduate na ko sa teenage years ko at di ko man lang naranasan magkaroon ng BF! haha. I want to experience that! haha. Kakayanin ko lahat ng responsibilities at pagkakasyahin ko lahat ng oras! kung kailangan pang mag-sacrifice, edi go! hahaha. Pero hindi pa ko ready.

Kung magkakaron man ako ng boyfriend, ang ayoko lang naman ay dagdag responsibilidad sa buhay ko. Yung tipong ako pa magtatanggol at ako pa iintindi. Arggggh. I hate boys talaga promise. I hate them all. Pero hindi ko pa naman sila nata.-try lahat eh. HAHA! Let me clarify that. Hindi ko kasi maintindihan yung takbo ng utak nila e. danggulo. napaka.kumplikado nila. Mas kumplikado pa sa mga hairstyles nila.