AIOA. 11-06-15. 2:01am.
"May tayo,.."
Ano nga ba yung salitang “tayo?”,
Tayo kapag magkasama tayo… pag hindi na magkasama, tayo pa
rin ba?
Tayo kapag masaya tayo… pag hindi na masaya, tayo pa rin ba?
Tayo kapag walang iba… pag may iba, tayo pa rin ba?
Tayo?
Tayo. Sabi mo.
Magulong usapan, dagdag mo..
Pati isip ko ngayon, gulong-gulo.
Litong-lito sa salitang binitiwan mo.
'di ko lam kung maituturing na tula 'to.
hindi tugma ang nararamdaman ko sa sinusulat ko.
kumbaga sa gitara, wala sa tono.
“Ganito na lang muna
tayo sa ngayon,
Masaya ako sa ganitong
set-up,”
Wala akong ibang magawa kundi sumang-ayon.
Pero, okay nga ba ako sa ganong set-up?
'di ko lang maiwasang hindi mapakali.
Kasi iba ang iyong pinapakita sa iyong sinasabi.
Itong nararamdaman ko, dapat ko ba munang isantabi?
Feelings na hindi ko kontrolado.
Tulad ng pagsabi mo na hindi ka na magbabago.
Pano ka nakakasigurado?
O, hindi ka pa sigurado?
At kung hindi nga, anong dahilan mo?
Gusto kitang makilala pa.
Makamusta sa mga araw na hindi kita kasama.
Malaman kung okay ka.
Madamayan pag nag-iisa ka.
Pero kapag sinusuyo kita,
Pakiramdam ko'y nababagabag kita.
Sa twing sasabihin mo na, matutulog ka na,
o kaya may pinagkakaabalahan ka.
Hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko sa'yo.
Dahil kung may parte man ako, 'di ko na kailangan pang ipaglaban 'yon.
Pero bakit ganon ang nararamdaman ko.
Tila wala akong puwang sa puso mo.
Wow. Puso agad.
Oras mo lang naman ang tangi kong hangad.
Hangad, 'di ko pinipilit na iyong ibigay.
Magdamag man ako maghintay ng iyong reply.
Kung maka-tsamba man na makausap ka,
Lagi na lang napag-uusapan na aalis ka.
Aalis para sa karera,
...suportado naman kita.
Pano na yung "tayo?"
Ay onga pala, malabong tayo.
Para san pa 'tong nasimulan natin,
Kung lilisan ka rin.
Mapipigilan ba kita?
O magpapapigil ka.
Kung kaya ko lang siguro ibigay sayo lahat ng makukuha mo don,
Dito ka na lang sa piling ko.
Buti ka nga may pangarap sa buhay.
Ako, eto walang plano sa buhay.
May mga panahon na gustong-gusto kong magtagumpay.
May panahon rin naman na gusto ko nalang maging nanay.
Halo-halo na ang sinasabi ko.
Singlabo ng salitang tayo.
'di pa siguro tayo sapat.
Sapat para sa sarili, sapat sa bawat isa.
Ang korny ko na ba?
Pag bumanat pa kaya ako, mao-off ka na?
Kung sa tutuusin, 'di ko kailangan humirit pa.
Kasi obvious naman na.
Siguro sa mga oras na 'to ay natatawa ka.
Okay lang, atleast napatawa kita.
Halos 'di ko na nga napansin na mag-uumaga na pala,
Pero heto pa rin ako, tuloy pa rin sa pagiging tanga.
Wag mo sana itake advantage 'to,
Sinulat ko 'to dahil sa litong utak ko.
Pero sana, pagtapos mong mabasa 'to,
Walang magbago,
At malaman mo ang nararamdaman ko.
Magandang umaga.