Before I start my endless drama talk, I would like to greet the most loving, caring, sophisticated mom a HAPPY HAPPY MOTHERS DAY!! Haaay grabe. Gusto ko nang i-banned ang FB dahil sa puro post ng mga happy mothers day. Nalulugmok lang ako lalo dito. Haha.
So how's my best, beautiful mama up there?
Halos linggo-linggo kita napapanaginipan.. Miss mo na ako no? ang pinaka-magandang dalagang single dito sa balat ng lupa. Your NBSB daughter, yours truly. Hehehe. Actually napanaginipan lang kita ulit kagabi. Ang galing nga eh, kasi yung posisyon ko sa pagtulog dun sa panaginip ko, ay hindi nabago hanggang pag-gising ko... Nandito ka daw sa kwarto ko habang natutulog ako, nagliligpit. Binabantayan mo pa nga ako eh. Then all of a sudden, nagising ako. Nakita kita at tinawag, "ma"... Tinignan mo ko pero tumalikod ka. Pinigilan kita, pinigilan kitang lumabas nang kwarto at tinawag kitang muli, "ma.." pero... 'di mo pa rin ako nilingon. at bigla na lang akong nagising na may luha sa aking mga mata.
Gusto kong umiyak ng umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang sa makita kita ulit. Pero wala ka na nga pala... Panaginip lang pala 'yon, isa nanamang panaginip. Pero parang totoo. Pang nangyayari lahat ng 'yon. Parang nandito ka lang. Parang hindi ka nawala. Nandito ka lang ba talaga?
Yes, its never been easy. Lalo na kung sa tuwing pag-gising ko eh dinaig ko pa ang bagong ligo sa sobrang pawis. Grabe init dito sa lupang ibabaw. Instant sauna mama. Just breakin' the drama hehe.
Parang kahapon lang, pinagmamasdan mo ko matulog. For real.
It still hurts kapag naaalala ko ulit lahat ng nangyari. Traumatic much. Hinihiling ko na nga lang na magkaroon ako ng amnesia, kaso insomia naman binigay ni Lord saken. Halos alas-tres na ko ng madaling araw nakakatulog. Zombie mode. Nakakalokaaaaa at its finest.
Masakit pa rin. At hindi ko alam kung mawawala pa 'tong sakit na 'to. At traumatic talaga, kasi kahit kanino hindi ko makwento ang nangyari nung gabing 'yon. Oh God. Witnessing my mom's death. There's nothing more painful than that.
It's never been easy.
Na magpatuloy pa sa buhay na 'to. Actually buhay na lang kami, hindi nabubuhay. There's really a big difference on that. Lalo na sa profession na pinasukan ko... Hindi madali para saken na ituloy 'to. Ngayon pa ba ako uurong? Eh isang taon na lang din naman ako.. Malapit na ma, malapit na akong grumaduate...magiging nurse na rin ako. Ay teka, may board pa pala. hehe. Ang tagal natin hinintay 'to. Yung tipong taon-taon ko na lang binabanggit sa inyo non na makikita niyo ko ni papa na grumaduate, at sabay-sabay pa sana dapat tayo 'non maghihintay ng result sa board exam. Binalak ko pang-ipagpatuloy ang karera ko sa med, na maging doktor. Tuwang-tuwa kayo ni papa 'non, kasi magkakaroon na kayong anak na "doktora, doktora panganiban". Nakakatuwa, kasi simula non pinapraktis ko na ang pirma ko at todo acting na maging doktor... At sabi mo pa non, magreretire ka na kung RN na ako at ako naman ang papalit sa'yo sa Saudi. 100dollars nga lang ang hinihingi mo 'non. Pero syempre tatlo naman kaming magbibigay, sus, kahit ilang dolyar pa... At oo, makakatira na kayong dalawa ni papa sa Las Pinas, yung lugar na pinlano niyong magsama hanggang pagtanda. Binakuran na nga diba ni papa yun? Super excited. Tsaka yung pagkasabik mo na magkaroon ng apo, nako, posibleng-posible na mangyari yun sa mga panahon na 'yon. Magkakaroon na tayo ng barangay tulad ng kay auntie. Ang dami na nating plano 'non... Kaso, sa isang iglap, nagbago ang lahat .
Torture na saken mag-aral. Lalo na kung tungkol sa cancer/respi ang topic. Mahirap. Akala ba nila dahil sa nakakapasa ako eh kasi nakakapag-focus na ako? Na okay lang ako? hindi. Alam mo yung naiiyak ka na lang habang nagbabasa ka, na gusto mong sumigaw sa klase habang nasa kalagitnaan ng lecture. Na gusto ko ibato ang libro ko sa sobrang galit at sakit... Pero mas lalong mahirap kapag duty, kasi dun pa rin ako sa hospital na yun at nakikita ko pa ang mga df na intern 'don. Mapaglaro masyado 'tong mundo. Masyado akong pinahihirapan. Give me a break, please? Napaisip tuloy ako, magiging doktor pa kaya ako? Sayang ang napundar ko sa pathophysiology. Kung alam lang ng mga kaklase ko ang dahilan sa pagiging ms.patho ko eh, dahil sa gusto ko talaga magdoktor. Pero nagdalawang isip na ko simula non. Magastos 'yon. Parang ayoko na sa medical field. Pero mayroon sa loob ko na gustong ipagpatuloy ang kursong 'to.
Torture na saken makipagsocialize. Kasi sa edad kong 'to, ilan lang ang makakaintindi sa'ken. Minsan wala pa. Mahirap magpretend na, kaya ko. Pang best actress na nga ang PEG ko eh. Wala lang siguro akong malapitan.. I can't find the right person na mapaglalabasan ng sakit at sama ng loob. Alam mo 'yon? Kaya mas mabuti makipag-usap sa mga elderly. Haha hindi naman sa sinasabi kong elders talaga. Kasi sa edad kong 'to, ilan lang diyan ang marunong makisimpatya. Though kahit gusto kong makipag-open sa, specific person, eh wala na sila, at ayoko nang maging kumplikado pa. Isa pa 'to sa kinasasakit ng loob ko eh. Pero wala akong magagawa.. Kaya ang ending, I always open up to myself. Aba, two soul in one body 'to. Extraordinary me.
Torture, kasi wala na akong nanay. Ang masakit pa don, nag-iisa lang 'yon, irreplaceable.. Mothers day pa naman. Babaha nanaman ng luha dito.
Minsan pinagsisisihan ko na, pumasok pa ako non kaysa makasama ka. Living dead nga ako sa mga panahon na 'yon. I tried my best na hindi umiyak sa harap niya non, ang kinabibilib ko sa sarili ko na talagang nagawa ko.. Ay nakakatawa nga, kasi dinidiin ko pa non na, mas kakayanin ko pang break.an ako ng tatlong lalaki nang sabay-sabay. Yung isa niloko ako, yung isa ginamit ako, yung isa ginud-time ako. Kakayanin ko pa yun eh. Eh, mukhang alam ni Lord na kakayanin ko talaga 'yon, kaya si mama kinuha niya, which is di ko naman talaga kaya.. Yung mawala nang lahat wag lang nanay ko. Alam mo yung feeling na 'yon? The fact na, todo hagulgol na ko pag hinahatid namin siya airport, what more kapag hinatid na namin siya sa huling hantungan niya?.... So suicidal mode na ko non?.. Thank God medyo okay ang coping skills ko. I can't imagine na medyo nakakaya ko na ngayon. Pero hindi ko naman talaga alam kung kinakaya ko na talaga. Eh ganyan talaga buhay. May nauuna.
..Feeling ko, sa bawat pagsulat ko sa journal ko gabi-gabi, katabi kita. at binabasa mo mga sinusulat ko. Eh kaso wala lang akong response. Kung pwede lang magpadala ng sulat diyan eh. . .
It's kinda weird. Kasi napanaginipan ko rin si daddy after ilang months 'non. At sa panaginip na 'yon, nasa baba daw kaming dalawa, sa kwarto niya. At may hawak siyang journal.. hindi ko alam kung anong journal 'yon, pero tinignan lang ako ni daddy 'non. Hindi rin siya nagsalita kaya wala akong clue. Kaya pag-gising ko, hindi ko na lang inintindi. Then one time, naisip kong suyurin ng bongga ang baba. TING! may nakita akong journal. Eh walang pangalan. Di ko malaman-laman kung kanino. Pinakita ko kay papa yung sulat, sabi niya sa'yo daw... Binuklat ko ang journal, at nakita ko yung philisophy in life mo at mga quotes na sinulat mo. Saktong-sakto lang sa pinagdadaanan namin. Di kaya kakasulat mo lang 'don?.. kakasulat mo lang don o hindi, ang importante nakita ko ang journal na 'yon.
Pero mas torture saken pag nakikita ko si papa. Nako, lalo na pag kinakanta niya ang "my love will see you through", specifically yung linyang "wait for me, wait for me". Nakakakilabot, at the same time, nakakaiyak. Bilib rin nga ako sa love story niyo eh, kakaiba. Kahit ikaw daw ang nanligaw. Hehe. Tama na. magd.drama nanaman ako dito eh. haha.
Pero sana, nababasa mo ang journal ko, kasi dun ko lang kayang isulat lahat ng nararamdaman ko.
Miss na miss na kita mama. So happy mothers day na lang ulit. Bibilhan kita ng cake mamaya paggising ko... I love you.
See you in my dreams.
No comments:
Post a Comment