This poem is for my HS barkada... mas kilala sa tawag na tropzG. ;)) Almost 3yrs na to nung sinulat ko.. It's about my tropa, basta long story =) and these girls are really so special to me. That's why. =)
Inaalala ang mga natitirang sandali
Mga sandaling walang makakapagsabi
Ibinubulong sa hangin
Ang mga nais sabihin
Kung bakit pa tinadhana
Ang pagsasama ay mawawala
Kung kailan nabuo
Tsaka magkakalayo
Pilit nilalagpasan
Ang mga pagsubok na pinagdadaanan
Tinitiis ang lahat
Malutas lang ang mga problemang hinaharap
Pero bakit humantong sa ganito?
na kailangan na nating sumuko
ang pagkakaibigang nabuo
saan kaya tutungo?
Pagkakaibigang puno ng mga alaala,
Pagsasamang puno ng ligaya
Kailanma'y 'di pagpapalit
Ang samahang walang kapalit
=naj=
No comments:
Post a Comment