Every patient is unique.
Kanya-kanya sila ng pangangailangan. Bawat isa sa kanila ay may iba't-ibang sintomas at karamdaman, na yung iba ay masasabi nating malala, yung iba naman ay hindi. May pagkakataon na sa isang tingin mo lang sa isang pasyente, mula ulo hanggang paa, masasabi mo na kung may mali o wala.
May iba't-ibang klase ng sakit. Sakit sa puso, sakit sa ulo, sakit sa tiyan, sakit sa buto-buto, at ang pinaka-in demand na sakit at di malutas-lutas, ay ang sakit sa bulsa. Lahat ata ng tao mayroon nyan. Actually, hindi naman talaga sakit sa bulsa ang nararapat na itawag diyan. Hmmm. Oh ikaw, wala ka bang pera?.. wala naman. natanong ko lang. haha. Pero hindi na sakop ng medicine field yan.
Kapag nagkasakit ang isang tao ng mga ilang araw na sa tingin nila ay hindi na normal, madalas nagpapa-check-up na kaagad sila sa clinic o sa emergency ng hospital. At kapag medyo kailangan na ng medical assistance, naco-confine na sila. Oo naco-confine sila. Yung ibang tao nga, marinig lang ang salitang "confine" o "hospital", eh halos magpanic na. Ano bang nangyayari kapag na-confine ang isang tao? Simple lang. Pasyente na ang tawag sa kanya. haha lols. Base sa aking mga experiences, restoration ng health yan to it's finest, to it's "normal function". Binabalik sa "normal" na condition ang sistema ng isang pasyente kasi may imbalance na nagaganap sa katawan niya. kasi may traydor sa sistema niya. What I mean by that?.. Eto. Kung ang gas ng sasakyan mo ay unleaded, tapos ang nakarga sayo ay diesel, anong mangyayari? Syempre ngangarag-ngarag ang takbo ng sasakyan mo. Worst, masisira makina mo. So ganon. May nagtraydor o maling entra sa sistema which causes the imbalance. Kaya naman nacoconfine ang isang tao... Meron namang trip lang magpaconfine, eh kung magkapresyo lang din naman ang hotel fee sa hospital fee, dun ka na sa hospital. May pagkain at special nurses ka pa. Haha. Di ko sure kung may ganon talaga. Haha. Yung iba nacoconfine kasi that's the last resort. Dalawa lang naman yan eh, it's either lumabas ka ng hospital ng buhay o hindi.
All about treatments.
Actually, ang ayaw ko lang naman sa hospital ay yung mga hindi "likas" o "natural" na ginagawa sa pasyente. paano ko ba eexplain yun.. Ang likas papaya soap kaya? Likas? naisip ko lang naman. haha.
Hindi naman sa against ako sa mga treatments ng hospital.. Pero, Lahat naman ng sakit ay may gamot eh. Magbibigay ba ang Diyos ng sakit kung walang gamot? Lilikha ba ang Diyos ng isang tulad ko kundi para sayo? HAHAHAHAHA. Kung alam lang nila sana.. The body has its ability to heal itself. Naisip mo ba kung anong gamot? Naisip mo ba kung saan nakukuha yung gamot na yon? Tsss. AKO ang GAMOT! HAHAHAHA echos. Eto seryoso na. Ang mga gamot na tinutukoy ko ay nasa hardin ni God. Nasaan yon? Andiyan lang. The green green green field/trees and colorful fruits. Amazing, isn't it?. Yan lang naman yon eh. Pwede sa prevention at sa cure. All IN ONE. hmmm. Paano ko nasabi 'to?
Ang goal ko lang naman sa mga pasyente ko, (nagpaka-feeling nurse/doktor lang. haha) ay makaiwas sila sa sakit at gamutin sila in a natural way. yung guaranteed na no adverse effects. Kasi natural eh. Without introducing harmful substances sa katawan ng tao. kasama na yung mga surgeries.
Lahat ng nutrients na kailangan natin eh nasa hardin ni God. ALL FREE. Napaka-powerful ng mga organic foods eh. kaso pinresyohan na ng mga tao kaya di afford ng lahat bumili. (Pati yung mga libre may bayad na. Damn.. ) at tinago ng medical field ang katotohanang ito. Kung ano-anong treatments pa ang naimbento para kumita ng pera.. Sad fact indeed.
Ang kanser, aids at tighawat ay wala na daw lunas?
Eeeeng.
Lahat ng sakit may gamot.
Ang kailangan lang ng tao ay mag.DETOX.. Treat the internal. kasi nasa kinakain talaga yan eh. (ay teka, isama na ang lifestyle, mga paniniwala at kung anu-ano pa. For health is a state of being well-- physically, mentally, emotionally, socially and emotionally. STATE OF BEING WHOLE)Tanggalin ang mga toxins at traydor sa sistema ng katawan. How possible is that? through ingestion lang. Wala ng opera-opera. Ang tinutukoy ko lang dito ay diseases ah, labas na yung mga stress, etc.. Eh sa panahon ngayon, di mo malaman kung ang mga nabibili mong donuts or whatever eh may halo diba? Eto, one fact: ang pagkain ng chicken wings, prone magkaron ng cyst sa ovaries yan. Naalala ko bigla si mama, sobrang hilig nya don. One of the predisposing factors kaya siguro sya nagkaganon. Back to the chicken wings.. may nabasa akong article na sa neck part or wings ng chicken mostly nag-iinject ng steroids. So hindi na talaga natural ang growth ng mga to.. at higher concentration ng steroids ang mga parteng 'to. So buy organic foods na lang! kahit mahal. Atleast healthy.
God has the only power to heal.
Pero hindi dahil ganon, wala nang magagawa ang mga doktor at mga nurses.. We're instruments of God.. para tumulong, sumuporta, ease our client's pain/paghihirap hanggang sa makakaya namin. Honestly, kahit gaano pa kagaling ang isang doktor, wala itong kakayahang gawing immortal ang mga tao. O gumamot to the extent na di ka na magkakasakit. Mag-eexpire at mag-eexpire rin ang isang tao. Nasa tamang pangangalaga lang talaga yan. Kaya nandito ang mga nurses, para mag-aruga, for we nurse the world. HAHA SEGWAY. Aba, masasabi ko na talaga na ito ang pinakamahirap at pinaka-fulfilling na karera. Anong saya. I may sound korny pero kakaiba ang field na 'to. Next blog ikwekwento ko pag may oras ako. Haha.
Siguro, nasa papel ko na talaga ang mag-inspire ng ibang tao. Nung binuhay ata ako sa mundong 'to, talagang ipaparanas saken lahat ni God lahat ng saket sa mundong 'to. Lahat ng negative. Tipong dapat ko tumayo sa sariling mga paa ko. At ayun na nga. Sarili ko nang nagcocomfort sa sarili ko. How sweet. HAha. Hinde.. para kasi sa empathy kaya pinararanas saken yon. Pero naman. Grabehang experiences na 'to.. hahaha nvm.
So hindi ko natype talaga ang gusto kong sabihin. Ewan ko ba't biglang tumaliwas. Iba naman talagang iniisip ko ngayon eh, about caring for adults. ewan ko bat napunta dito. haha. Anyway. Aja! Goodnight my readers :)
Lots of Love,
![]() |
| eh sa wala akong makitang garden. hahahahaha. |

No comments:
Post a Comment